ikaw ay tala na nagmula sa uniberso
hulog na langit upang magbigay liwanag sa lupa
iyong tinuklas ang misteryo ng sansinukuban
at nagdilig ng ngiti sa mundong tuyot.
sigwa ang sumalubong sa iyong pagdating
ngunit hinarap mo ito ng buong tapang
ang mga panganib ay di mo sinukuan
at sa halip ang pag-asa ay yumabong
sa iyong isip, sa iyong puso, sa iyong kaluluwa.
sa bawat na araw na magdaan
ikaw ay nagmahal, lumaban, nasaktan
naipagbuklod ang mga nakakalat na diwa
iyong ibinahagi ang pag-ibig ng walang pag-iimbot
kahit sa huli iyo lamang nadama ang sakit ng pag-iisa.
ngunit ang bawat epiko ay may katapusan.
minsan nilisan mo ang kalikasan at bumalik sa langit na pinagmulan
upang maging isang tala, sa iyong tunay na tahanan.
minsan kang naging gabay na liwanag dito sa lupa
ngunit ang iyong init ay patuloy na mag-aalab sa aming puso't diwa.
ikaw ang alamat. ang alamat ng isang tala.
I always look up at the night sky hoping to see your eyes twinkle at me. I still can't believe you're gone. The past few days have been hard for me, and I've been longing for your embrace for it kept me safe and calm. I will miss you forever.
Felipa C. Esperas
1932-2008
Thursday, February 21, 2008
alamat ng isang tala
Posted by You can call me Cheska-- at 5:29 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment