masaya tayo tuwing sasapit ang araw na ito.
ika'y nasa piling ng mga kaibigan, may munting piging
at ako'y darating, upang bumati, upang makikain.
ipagmamalaki mo ang isa na namang taong haharapin ng buong lakas
ang matapang na diwa, puso at kaluluwa.
mga pangarap na nanantiling matayog at puno ng pag-asa.
puno ang hangin ng iyong mga halakhak, di alintana ang usok ng lakampana.
pero ang lahat ay lumilipas.
ngayo'y malayo ka na sa piling ko.
ika'y nasa alapaap. maligaya. malayo sa mga pag-aalala.
pero ang iyong kaarawan ay mananatiling mahalaga sa aking gunita.
ako'y nangungulila sa iyong pag-aaruga.
Monday, March 10, 2008
kaarawan
Posted by You can call me Cheska-- at 10:41 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment