One Sunday night while watching Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, nag-ring ang cellphone ko. Teka. Ang alam ko sira ang cellphone ko. Pero seryoso ba 'to, nagriring ito?
Private number pa.
"Hello?" sagot ko.
"Hello Fae," isang boses ng lalake ang sumagot. Mejo mala-tatay ang tunog. "Si God to."
"Huh?" nagulat ako. Seryoso ba to? Malamang isang friend ko na nagti-trip lang. "Sino to?"
"Sinabi ko na nga diba? I'm God. And I'm calling to check on my child, you."
"God, as in the Christian God? The Catholic God?" sige sinakyan ko na lang. "God Buddhist na po ako. Ano pong meron?"
"I am the ethereal God. I exist in whichever faith you believe in." sabi nya. "Ikaw naman. Tumawag lang ako para kamustahin ka. Medyo busy ka these days diba?"
"Ok lang. Teka, dapat alam ninyo ang latest buzz sa buhay ko. Ikaw ang Diyos, eh."
"Of course I want to know your side of the story." Para siyang kumindat. "Saka ayaw mo bang kinakamusta kita? Ikaw na lang-iisa diyan ngayon dahil kinuha ko na mga kapamilya mo. At alam ko rin na hindi ka pa masyadong nakakapagluksa dahil marami kang dapat asikasuhin."
"Ok lang ako, no." ngiti ko. "God, I never knew you could be this cheesy."
"You know my child," hinga niya. "Life is a piece of cheese. Puno ng butas. Pero pag nalampasan mo ang mga gusot sa tamang paraan, edi ayos."
"Sinadya mo ba talaga yun?"
"Secret."
"So God, may tanong ako." Hirit ko.
"Toll-free tong gamit kong linya." Ay. Daya alam nya kung ano itatanong ko. Magkano ang charge sa tawag nya saken.
"Duga mo."
"Anak, hindi naman ako umimbento ng monetary values e. Tao may pakana nyan." katwiran nya. Right.
Silence.
"God, mahal mo ba ko?" hirit ko sa kanya.
"Oo naman, Fae. I love all my children, at kabilang ka dun."
"Ok. Panigurado lang."
"Haha. Ikaw talaga. Well, I guess you're doing ok. Sige marami pakong tatawagan. Alam mo na, hectic schedule ko."
"Sige salamat po. Buti naman nasingit nyo pako sa sked nyo. Hehe."
"Siya, Fae. Hi daw pala sabi ng lola mo." Paalam ni God.
"Pakisabi na lang po hi din."
"Good night, my child." at nawala na siya sa linya.
Nang buksan ko ang aking mga mata, tapos na ang Harry Potter. Umaga na pala.
Sunday, August 17, 2008
Minsan, tumawag si God.
Posted by You can call me Cheska-- at 8:45 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment