kalagitnaan ng gabi.
umuulan sa buwan ng mayo.
magkahawak ang kanilang mga kamay.
kapwa nangungusap ang kanilang mga mata sa gitna ng karimlan.
kanila ng mundo. dalawang estrangherong nagtagpo para pagsaluhan ang isang gabing malamig.
at tumunog ang cellphone ni rodrigo. may nagtext.
hoy bakla san ka? tagay tayo. depressed ako. -si ria.
"ang silbi ko ba sa mundo'y maging comforter ng mga depressed?" tanong ng isa sa sarili. "sacrificial. selfless. parausan."
"ikaw ang pipili ng disposisyon mo sa buhay." tugon ng kanyang kasama. "masarap mag-alay ng pagmamahal, totoo. pero masarap rin ang mahalin."
"nagmahal ka na ba?" muli, siya'y nagtanong. "minsan nasa sa iyo na nag lahat. ang talino. ang face value. ang performance level. pero ano ba talaga ang presyo ng tunay na pag-ibig?"
silencio ang isinagot sa kanyang katanungan.
ngunit matapos ng ilang mahahabang sandali, ang kanyang karamay ay bumuntonghininga.
"ngayon pa lang." sabay alay ng isang maalab na halik sa kanyang mga labi. na agad niyang pinutol.
"hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"kung bibigyan moko ng pagkakataon. ang pangalan ko'y fredo."
"rodrigo."
at kanyang pinatay ang kanyang cellphone.
Friday, May 23, 2008
fredo and rodrigo
Posted by You can call me Cheska-- at 11:23 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment