Break na si Fifi at David!
Iyon ang bulalas samin ni Coco nung nagkita kami sa Starbucks-Katipunan. Actually kay Iya lang nya sinabi yon, hindi sakin. Hindi ko naman kasi kilala yung Fifi at David na yun.
Iya: O talaga? Baket? Antagal rin nila ha. Mahigit 5 years ba?
Coco: Oo nga e. Naalala ko nung high school ako nagbuking kay David na crush siya ni Fifi. Sakin bale nagsimula ang love story nila. Hindi ko pa nakakausap si Fifi pero pinapunta ko na siya dito para ikwento ang nangyari.
Ako: Sinong Fifi at David ba yan?
Coco: Mga classmates namin nung high school na lovers. Sila ang love team ng batch namen. Mamimeet mo rin si Fifi. Nagtext na siya e. Papunta na raw.
Ah ok. Siya sige, kahit hindi ako mahilig sa girl talk at pagbibigay ng moral support para sa isang newly broken up couple, since andito na rin lang ako e wala na akong choice. Maya-maya lang at dumating ang isang taong hindi ko kakilala ng personal pero kilala ko ang pagktao. At kilala rin ako. At kilala rin nina Iya at Coco.
Fifi!
Paglapet ni Fifi samin ay sinalubong siya ng yakap ni Iya at Coco. At ako'y apathetic.
Coco: Fifi, si Fae pala, friend namin. Fae, si Fifi, yung kinukwento ko kanina.
Tahimik lang si Fifi na nakatingin sakin, parang namumukhaan ako.
Fae: Hi. Musta?
Iya: Ang cold mo naman. Kita na ngang bagong break yung tao tapos parang wala kang pakialam.
Fifi: Okay lang ako, thank you.
Coco: O Fifi, baket naman kayo nagbreak ni David? Sayang naman yung relationship ninyo.
Tahimik paren si Fifi at hindi makapagsalita. Nakatingin lang siya sakin.
Iya: Fifi, huy. Nappressure ka ba? Sige wag mo muna ikwento kung di mo pa kaya.
Fifi: David woke up one morning and told me that he still loves his ex.
Coco at Iya: May ex si David?!!!!!!
Coco: Panu yun, e diba mula high school kayo na? Ako pa nga nagbuking sa inyo diba?! Panu nangyari yun, elementary? At sino yung girl na yun?
Fifi: May naging GF siya nung second year siya. Sandali lang.
Iya: Pero antagal na nun e. Pano naman nanumbalik yung feeling? Nagkita ba sila?
Fifi: Hindi ko alam. Basta bigla na lang niya sinabing ganon.
Fae: Aaah. Kaya pala ko biglang tinawagan ni DJ kagabi. Gusto daw ako makita. Pano nya pala nakuha number ko?
Napatingin lang sakin si Iya at Coco. At tumiim ang tingin sakin ni Fifi.
Hehe.
Friday, May 23, 2008
the other F girl
Posted by You can call me Cheska-- at 1:37 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment