Galing ako sa gig kagabi at super inaantok pako nang pumasok ako sa campus. Gusto ko pa matulog pero may quiz daw kami today sa Physics kaya hindi pwede umabsent. Para sa isang dakilang absenera, bago to para saken.
Pagpasok ko sa classroom ay yumuko kagad ako sa desk ko. I am really sleepy. Halos mahimbing na ata ako sa kinatutulugan ko nang biglang may tumapik saken.
"Hoy Pemay, may nagpapabigay sayo." abot sakin ni Pau, classmate ko. Inabutan nya ko ng papel na nakatiklop, kulay puti at walang kaayos-ayos.
"Kanino galing?" mapungay pa mga mata ko. Hehe.
"Ewan. Pinaabot lang din saken e. Oi sige puntahan ko muna sina Monet." at nilayasan nako ng classmate ko. Binuksan ko naman ang papel thinking baka kung anong importanteng message ang laman. Pero eto lang ang nakasulat:
Wala paring iba... ang papalit sayo.
Ikaw parin lagi ang iibigin ko.
Kanino kaya galing to? Lyrics ng kanta to e. At sino naman ang mangangahas magbigay neto sakin, e antagal ko nang walang love life dito sa school? Well nung first year si Sonny. Hehe. Pero matagal na yun e. Hahabulin ko sana si Pau para papagsalitain kung sino nagpabigay nito sa kanya pero nagsimula na ang klase. Quiz time. Haay.
-------------
Recess. Gaya ng kinagawian mag-isa akong kumain ng chibog sa bench. Dun naman ako tumatambay every recess time, at alam na ng buong campus na eto ang pwesto ko. Kaya habang nagbabasa ng lesson para sa walang kwentang Social Studies, nagpapapak ako ng kropek. Nang may napansin ako sa sandalan ng bench.
If loving you is all that means to me
Being happy is all I hope you'll be
When loving you must mean
I really have to set you free.
Bagong sulat lang to e, wala naman to kahapon. Sino ba talaga to?
"Pemay," may nakiupo sa tabi ko. Si Sonny, classmate ko na ex ko nung first year.
"Uy.." nagulat ako. Shet, sha kaya?
"Pengeng kropek." Sabay kuha ng kropek sa bench. "Lutong pa ha. Bago ba to?"
"Ah, oo." tango ko. Mejo namumulang ewan ang pisngi ko kasi baka si Sonny nga talaga ang may bigay neto?
hmmmmm.....
Wednesday, September 10, 2008
Love Song Syndrome
Posted by You can call me Cheska-- at 1:03 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment