CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, September 10, 2008

Love Song Syndrome: Episode 4

"Hello Tito Jake, Pemay to." wika ko sa telepono. "Malapet na prom namin, padala ka ng pera pambili ko ng dress."
"Ok." sagot niya. "Oo nga pala, sa Valentine's Day pumunta ka dito. Magluluto ako. Ayoko mag-isa sa araw na yun."
"Ang emotional mo naman, Tito." banat ko. "Magmukmok ka na lang sa opis."
"Eh, ayoko ng kantiyaw. Basta, punta ka dito ok. Magsama ka ng date mo kung gusto mo." Gusto ko matawa sa sitwasyon ng tito ko. Sa kabila ng pagiging isang matapang na NBI agent, napaka-hopeless romantic niya. Kakabreak lang nila ng fiancee niya na si Trina last week, kaya bitter pa siya.
"Tito, one day you may find true love that would last forever." Paalala ko.
"Haha. Poor heart of mine. Siya, sige babay na. I'll send you your shopping money tomorrow." Paalam niya. "Goodnight dear."
"Night Tito." at binaba ko na ang telepono.

Nang patulog nako, inisip ko kung sino ang pwedeng maging ganon ka-baduy para padalhan ako ng mga sulat na may lamang lyrics ng kanta. Si Sonny, si Jicho... o baka naman wrong send. Pero hindi e. Ay nako ewan. Maitulog na nga lang 'to. Madami pako gagawin bukas.

toot. toot.

May nag-message sa cellphone ko. Guess what. Lyrics parin ng kanta.

Bakit nagkatagpo... bakit tuloy nagkalayo...
bakit mayron pang nadarama ngayong hindi na tayong dalawa...

Hindi ko kilala kung kaninong number to. Arrrgh!

---------------------------

Kinaumagahan, dumaan muna 'ko sa Delaney's bago pumasok sa campus. Nakalimutan ko kasi ID ko dun kaya kinuha ko muna. Sakto namang andun si Sir Arnold, ang may-ari ng kainan.

"Pemay! Buti naman dumaan ka." salubong niya saken.
"Hi Sir Arnold, naiwan ko kasi ID ko dito e." ngiti ko.
"May package na dumating para sayo." Kilig niyang sabi.
"Oh? Galing kanino?" nagtaka naman ako.
"Ewan. Special delivery daw e."

Pagpasok namin ng resto ay nakita ko ang package ko. Kaya naman pala kinikilig si Sir Arnold e dahil puro bulaklak at balloons ang package. Hehe. At may sulat pa.

I believe in dreams, I believe in miracles...
I believe that toy balloons, can reach and touch the moon...

"Uuuy... secret admirer..." dutdot sakin ng boss ko. "Sino yan ha?"
"Hindi ko rin po alam." Nakangiti kong sagot. "Sir dito muna yan. Pasok lang ako. Babay."
"Sige sige... ingat lover girl!"

Ayoko na isipin kung sino ang gumagawa nito saken. Maliban kay Sonny, wala na akong ibang alam na pwede maging suspect. Di pwede si Jicho dahil may Andrea na siya. Kung taga-ibang school naman, hindi kaya si...

0 comments: