Ok ok ok. Ganito yun. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero nung first year high school ako e naging kami ni Sonny. Classmates kami. Pero di naman kami ganon kaseryoso, although talagang naging crush ko sha noon. Nang matapos yung relasyon namin (hehehe puppy love), wala na. Until nung third year ako at naging ka-MU ko etong si Jicho, ang kuya ni Dyan. Mejo malabo ang love story namin, kaya hanggang MU lang. Matapos din nun, wala na. Pero baket may mga gantong lyrics akong natatanggap?
------------------
After ng sideline kong pagwa-waitress sa resto-bar na Delaney's, dumiretso ako sa bahay nina Edward, ang best friend ko mula kinder. Andun daw kasi ang barkada, may inuman. Malapet lang naman bahay nina Edward samen kaya ok lang. Besides, sino ba maghahanap saken sa bahay. Pagdating ko dun, oo nga andaming tao. Kumpleto barkada, kasama si Jicho.
"Hi people."Bati ko sa kanila. Well shempre chika-chika na naman tapos nood ng TV, pero sa totoo lang wala ako sa mood para makihalubilo kung kaya't umakyat na lang ako sa terrace para magpahangin. Dun ko naalala na malapit na nga pala ang prom at wala parin akong damit. Hindi pako nakakatawag sa tito ko para humingi ng pambili ng prom dress, kaya naman naging busy muna ko sa pag-iimagine kung anong magandang damit na isusuot. Sakto namang nagpatugtog si Mang Caloy, ang kapitbahay ni Edward.
Looking kinda lonely girl..do you want somone new to talk to...
"Pemay..." biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Jicho.
"Uy Jicho," sagot ko. "Musta?"
"Ayos lang. " ngiti nya. "Natanggap mo ba yung card?"
"Oo, binigay ni Dyan." tango ko. "Para san ba yun?" (Patay-malisya. Weh.)
"Hindi para sayo yun e." Kamot niya ng ulo. "Para kay Andrea sana. Ehehe. Nagkamali lang si Dyan ng pagbigay, sabi ko un report card ko yung ipakita sayo. Hehe."
Ay, shet. Agad kong nilabas yung card na binigay ni Dyan saken kanina at inabot kay Jicho. "Yan o. Bigay mo na kay Andrea."
"Hehe. Salamat."
Ayan, solved na ang isang kaso. Hehe. After 30 minutes e nilisan ko na ang bahay ni Edward at tumungo na ng bahay. Pagod nako. Tatawagan ko pa si Tito Jake. Pero pagdating ko ng bahay, may sulat na nakasingit sa may gate.
Hindi man dumating sakin ang panahon na ako ay mahaling muli
asahan mong di ako magdaramdam kahit ako'y nasasaktan...
wag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin.
Geesh... sino ba talaga to? Hindi si Jicho. Si Sonny? Sino pa ba ang pwede gumawa nito? Kung di rin lang taga-school...
0 comments:
Post a Comment