CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, January 30, 2008

hari ng sablay

My cellphone went beep beep last night while I was making chitchat with friends over at mIRC. Shempre I checked on my phone and saw that an old friend texted me saying finally makakagraduate na siya. Thank goodness naman noh, like matapos ang over 8 years at the one same course ay makakagraduate na siya. I'm glad to hear that he's about to graduate, pero after three seconds ay bigla niya kong binagsakan ng langit at lupa after reminding me kung kelan naman ako ggraduate. 'Saksakin kaya kita para di ka makagraduate?!!!'

Pwede ba Edmonton. Ikaw bida dito. Narrator lang ako.

Let's meet my friend Edmonton. Ahead siya sakin ng 2 years so pagpasok ko sa university ay third year na siya. Sa PE ko siya naging classmate at for one whole sem ginawa naming talking class ang aming walking class. Molecular Biology and Biotechnology ang kanyang course samantalang ako ay (ehem ehem secret!). Valedictorian siya doon sa high school nila sa isang liblib na baryo sa Abucay at siya lang ang kaisa-isang UPCAT passer mula sa batch nila (not to mention sa buong kasaysayan ng kanilang paaralan). Kinuha daw niya ang MBB dahil wis daw niya knows kung anong course to. Pagtapak daw nya ng third year e chaka lang niya napagtantong hinuhukay na pala niya ang kanyang sariling libingan. Hehe.

After ang aming maliligayang araw sa walking class ay nanatili kaming close ni Edmonton. Magkikita para kumain, magyosi at paminsan-minsan uminom. Madami siyang drama sa buhay tulad ko. Hehe. At lalo pa itong nadagdagan nang siya'y tumapak ng 5th year sa kanyang 4-year course.

Una ay iyong magkagusto siya kay Atom. Pucha, lahat naman halos may crush kay Atom e. Pero duuuyy... patay na patay itong kaibigan ko kay Atom. Dahil kay Atom ay naging active siya sa mga orgs, events at kung anu-ano pang social gatherings kung kaya't napabayaan niya ang kanyang longtime girlfriend na si Anna. Nung nakipagbreak sa kanya si Anna eh saka lang nya napansin na siya'y nagttransform na pala. Edmonton, day. Bading ka na.

Tulad ng ibang late bloomers na bading ay sumailalim sa 'denial stage' tong si bakla. Pero kalaunan ay hindi rin niya napigilan ang pagtibok ng kanyang puso kung kaya't hinarap niya ang pagiging isang bading. Wala namang kaso sa mga friends niya e. Ayos lang. At naging best friends pa sila ni Anna. Hehe.

Ang pangalawa niyang drama ay ang kanyang pag-aaral. Dahil nga dun sa kanyang metamorphosis ay naapektuhan ang kanyang acads. Bagsak dito, bagsak dun. Retake, remove, summer. Hayan. Dahil rin sa kakulangan sa pera ay kinailangan niyang matrabaho, at tulad ng nakararaming mga kabataan sa aming henerasyon, siya ay pumasok sa isang call center (call senner) bilang isang ahente ng car parts.

Pero hindi lahat ng drama sa buhay ni Edmonton ay malungkot. Aba, ang lola mo, hindi inakalang matatagpuan ang tunay na pag-ibig sa call center na yun. Isang gabi habang umiinom ng kape sa pantry ay nakilala niya si PJ, isang cute na bagets na nagttrabaho dun bilang janitor. Hehe. Kebs naman sa social status at naging sila eventually. Ang mahalaga lang naman ay mahal nila ang isa't isa, and of course, yummy si PJ! Dennis Trillo look alike daw ba! (siko nga lang.)

Heto nga. Matapos ng limang taon. Single na ulet si Edmonton at muli silang nagsstart over ng ex niyang si Anna. Nakabuntis daw kasi si PJ ng wala sa oras e. Bago matanggap ni Edmonton yung nangyari ay naglaslas eklat muna siya, something like a telenovela dahil di niya keri ung katarantaduhan ng jowa niya. But like any other story, nakarecover si bakla. Kaya starting over na naman and buti naman at makakagradweyt na.

'Day, finally makakapagtapos nako.' Text niya sakin. 'Matapos ang walong taon.'
'Oo nga bakla. Finally. Matapos ang mga kagagahan mo, ikaw na talaga ang hari ng sablay.' reply ko.
'Inggit ka lang kasi may sablay nako. Ikaw hanggang pangarap parin. Hehe.'

Hindi nako nagreply. Kaimbyernang baklang to.

Hehe.

0 comments: