CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, August 26, 2008

ideal date

they held hands. it was the first time they held hands since the moment they became together. for her it was surreal. his feeling was mutual.

it was a brisk evening, and despite misty dew brought about by the pseudo-winter season, they still breathed against the warm breeze that blew past them. they were seated on the green grass fronting a vast lot. they were far from the seas, nor the mountain ranges. but they watched the sunset and waited for the stars to shine.

they were actually waiting for a star to fall.

he wrapped his arm around her. she placed her head on his shoulder. he then lit two sticks and gave her one. they smiled before getting a smoke. he was happy. she was content. they both wished that the moment would stay that way forever.

darkness fell. hours later they headed to a watering hole and sought for dark lager and ravioli for dinner. afterwards they proceeded to a cheap motel and held hands again. he wouldn't let her go. she felt safe in his arms.

but love was something still yet to be born.

P.S. To edtot ni riatot.

Thursday, August 21, 2008

Writer's Block Day 1

ENTITY A: eh.. seryoso may writer's block ka?
ENTITY B: oo. hindi nga ako makapagsulat ng matino.
A: ngek edi dapat was ka nasusulat sa blog na to ngayon.
B: tanga. stress-release tong ginagawa ko hindi ako nagsusulat ng obra.
A: aaah. sori naman.
B: saka pasalamat ka nga at may writer's block ako. kung wala edi di kita kinakausap ngayon. remember, i created you.
A: anong you created me? feelingera ka ren no. i'm just acting as your reflection right now. parang yung trademark ng safeguard commercial. "ako ang iyong konsensha."
B: ke lumabas ka o hinde, wala ren kun di kita papansinin.
A: kesa naman sa wala kang kausap.
B: heh!
A: heh ka ren!
-silence-
B: mahal mo ba ko?
A: hinde.
B: hindi ikaw tanga. sarili ko tinatanong ko.
A: nakatingin ka sa monitor kung nasan ako "virtually present". wag ka ngang kimidora.
B: makapaghanap nga ng ibang kausap.
A: kung may mahanap ka. hahahaha.
B: ulul. kakangkang na lang ako.
A: uy sama ko wait lang!
B: tseh! jan ka sa monitor. bye!

Sunday, August 17, 2008

Minsan, tumawag si God.

One Sunday night while watching Harry Potter and the Prisoner of Azkaban, nag-ring ang cellphone ko. Teka. Ang alam ko sira ang cellphone ko. Pero seryoso ba 'to, nagriring ito?

Private number pa.

"Hello?" sagot ko.

"Hello Fae," isang boses ng lalake ang sumagot. Mejo mala-tatay ang tunog. "Si God to."

"Huh?" nagulat ako. Seryoso ba to? Malamang isang friend ko na nagti-trip lang. "Sino to?"

"Sinabi ko na nga diba? I'm God. And I'm calling to check on my child, you."

"God, as in the Christian God? The Catholic God?" sige sinakyan ko na lang. "God Buddhist na po ako. Ano pong meron?"

"I am the ethereal God. I exist in whichever faith you believe in." sabi nya. "Ikaw naman. Tumawag lang ako para kamustahin ka. Medyo busy ka these days diba?"

"Ok lang. Teka, dapat alam ninyo ang latest buzz sa buhay ko. Ikaw ang Diyos, eh."

"Of course I want to know your side of the story." Para siyang kumindat. "Saka ayaw mo bang kinakamusta kita? Ikaw na lang-iisa diyan ngayon dahil kinuha ko na mga kapamilya mo. At alam ko rin na hindi ka pa masyadong nakakapagluksa dahil marami kang dapat asikasuhin."

"Ok lang ako, no." ngiti ko. "God, I never knew you could be this cheesy."

"You know my child," hinga niya. "Life is a piece of cheese. Puno ng butas. Pero pag nalampasan mo ang mga gusot sa tamang paraan, edi ayos."

"Sinadya mo ba talaga yun?"

"Secret."

"So God, may tanong ako." Hirit ko.

"Toll-free tong gamit kong linya." Ay. Daya alam nya kung ano itatanong ko. Magkano ang charge sa tawag nya saken.

"Duga mo."

"Anak, hindi naman ako umimbento ng monetary values e. Tao may pakana nyan." katwiran nya. Right.

Silence.

"God, mahal mo ba ko?" hirit ko sa kanya.

"Oo naman, Fae. I love all my children, at kabilang ka dun."

"Ok. Panigurado lang."

"Haha. Ikaw talaga. Well, I guess you're doing ok. Sige marami pakong tatawagan. Alam mo na, hectic schedule ko."

"Sige salamat po. Buti naman nasingit nyo pako sa sked nyo. Hehe."

"Siya, Fae. Hi daw pala sabi ng lola mo." Paalam ni God.

"Pakisabi na lang po hi din."

"Good night, my child." at nawala na siya sa linya.

Nang buksan ko ang aking mga mata, tapos na ang Harry Potter. Umaga na pala.

Sa Dulo ng Bahaghari

Marahil ay masyado na kaming matatanda para isipin kung ano ang nasa dulo ng bahaghari. Pero para sa anak kong si Alice, hindi lamang bangang puno ng ginto ang naghihintay sayo kapag narating mo ang dulo ng pitong kulay na animo’y isang kalsada ng mga laso. Hindi lamang ginto, kundi isang libo’t isang kayamanan na hindi matutumbasan ng anumang salapi.

Ilang buwan pa lamang nang isilang ko ang aking anak nang muling sinimulan ni Mama ang kanyang hilig sa pagpipinta. Magaling na pintor si Mama, ngunit pinili niyang bitiwan ang kanyang ambisyon para sa isang higit na mabigat na propesyon, ang maging maybahay ng aking ama. Isa iyong pakikibaka para sa akin. Wala akong natatandaang masasayang alaala naming ni Papa. Marahil dahil ito sa kanyang mga bisyo na aking kinalakhan, sa mga gulo at away na kanyang sinimulan. Pero nanatili si Mama na nakaalalay sa kanya at pilit na binuo an gaming pamilya, kahit alam niyang sa huli ay aalis rin kami at magtataguyod ng sarili naming mga buhay.

Wala na sina Ate at ang kanyang pamilya nang balikan ni Mama ang pagpipinta. Matapos pakainin si Alice, siya’y hahawak ng pinsel at guguhit ng kung anu-anong kanyang maisipan. Isa na rito ang bahaghari. Sabi sa akin ni Mama noon, kapag narrating ko ang dulo ang bahaghari ay makakamit ko ang isang banga na puno ng gintong barya. Pero alam naman ng lahat na kathang-isip lang iyon.

Pero parang mas malalim ang nalalaman ni Alice tungkol sa bahaghari.

Minsan isang hapon, nadatnan ko si Alice na nakaupo sa kanyang andador. Nakakapagtakang wala si Mama gayong siya ang nag-aalaga sa aking munting anghel sa oras ng aking pagtulog. Nawawala si Mama. At si Alice ay nakatitig lamang sa harap ng larawan.

Tapos nap ala ang ipininta ni Mama. Isang babaeng mistulang papalapit sa dulo ng bahaghari na may ilang banga ng gintong barya. Matagal kong pinagmasdan ang larawan, at noon ko lamang napagtanto na kapareho ni Mama ng buhok ang babaeng kanyang iginuhit.

Ako’y nataranta. Agad kong hinalughog ang bahay, at wala si Mama. Wala rin ang ilan sa kanyang mga damit. Ginising ko si Kuya at sinabi kong umalis si Mama, pero bumalik lamang ito sa kanyang pagtulog. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Papa, nakatingin sa malayo.

“Pa, umalis si Mama.” Sambit ko.

“Hayaan mo. Babalik rin yan.” Sagot niya sa akin.

Pero hindi na bumalik si Mama.

Hindi ko alam kung kanyang hinanap ang ginto sa dulo ng bahaghari. Pero kung mayroong sigurado, iyon ay ang kalayaan na kanya nang natamo.

Hindi na bumalik si Mama.