CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, September 23, 2008

Nang bumaba ang ulap sa dalampasigan

Tumambad kay Carlito ang isang pamilyar na lumang bahay nang siya'y magkamalay. Kahawig nito ang tahanang kanilang pinupuntahan ng kanyang ina tuwing may mahalagang okasyon. Naaamoy niya ang tubig-dagat sa may dalampasigan, nguni't bagamat alam niyang nakarating na siya dito, tila ba hindi pa rin niya maalala kung saang bahagi ito ng mundo.

"Carlito!" isang babae ang tumawag sa kanyang pangalan. "Bakit andito ka?"
"Mama?" gulat siyang tumugon sa boses na tumawag sa kanya. "Asan ako?"
"Umakyat ka nga rito." utos nito sa kanya, na kanya namang sinunod.

Pagpasok ni Carlito sa bahay ay nasilayan niya ang mga lumang muwebles, ang andador kung saan sila naglalaro ng kanyang mga nakababatang kapatid na sina Ogie at Ferdie, at ang altar na puno pa rin ng mga sariwang bulaklak. Andito nga siya sa lumang bahay. Ang bahay ng kanyang lola.

"Mama, bakit kayo andito?" tanong ni Carlito sa kanyang Mama. Hindi ito ang kanyang ina, pero ang tawag ng halos lahat ng kaniyang mga kapamilya dito ay Mama. Si Mama ay kanyang tiyahin, ang nakatatandang kapatid ng kanyang ina.

"Siyempre, bahay ko 'to," ngiti nito sa kanya. "Maupo ka muna. Pagod ka siguro. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ka naririto."

"Hindi ko rin alam Mama." sagot niya. "Basta paggising ko andito na ako."

Katahimikan. Matayog ang sikat ng araw, at ang mga alon ay kanyang natatanaw mula sa bintana. Bumukas ang pinto ng pamamahay, at may isang lalake ang pumasok.

"Tio Odit?" muling napitlag si Carlito nang makilala ang lalaki.

"O, may bisita pala tayo!" bati nito sa kanya. "Pasensiya ka na iho, walang tagay dito. Haha. Di ko naman alam na darating ka eh." Niyakap siya nito at siya'y napaisip. Isa ba itong panaginip?

"Mukhang hindi lamang siya bumibisita, Odit." sambit ng kanyang tiyahin. "Carlito, may naghihintay sa'yo sa baba."

Pagdungaw ni Carlito sa bintana ay natanaw niya ang isang taong matagal na niyang nais na muling makapiling. Nang siya'y makita, ngumiti ito sa kanya at kumaway.

"TAY!!!!!!!!!!!!"

Bumaba si Carlito at tumakbo patungo sa kanyang amang nakatayo sa may dalampasigan. Sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap at halik sa magkabilang pisngi.

"Carlito, bakit ka naririto?" tanong nito sa kanya. "Hindi ba dapat nasa piling ka ng nanay mo? Napakabata mo pa para makarating dito." Aninag ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang ama.

"Hindi ko rin alam, 'Tay. Basta ang alam ko kasama na kita ulit. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, pero sinalubong ako ni Mama, at ni Tiyo Odit." hindi kumalas si Carlito sa pagkakayapos sa kanyang ama.

"Pati lola mo andito." sabi ng kanyang ama.

Muling napaisip si Carlito sa lahat ng nagyayari. Kapiling niya sa mga sandaling iyon ang kanyang ama, ang dalawang kapatid ng kanyang ina, at naroroon siya sa lumang bahay na alam niyang matagal nang natupok ng apoy. Pero bakit heto't muli itong nakatayo?

"Anak, ang sarap dito, hindi ba?" tanong ng kanyang ama. "Malamig, tahimik, mapayapa. Ito ang langit, anak. Pero hindi ba't masyado pang maaga para makarating ka dito?"

Langit. Ang kanyang ama, si Tiyo Odit. Si Mama. Lahat sila'y mga namayapa na. Noon lang napagtanto ni Carlito ang lahat.

R.I.P., Carlito P. Cumpas (1964-2008)

Counterpoint, 09-23-08

And I can't help but write, dial911.

You've always tried to make me understand that I mean everything to you. But there are just some entities which you have to care for, including your love for yourself. These things, they hinder us from holding each other's hands.

Fly me to the moon, let us sit side by side and take an obtuse view of the universe. The galaxy is just so wide our eyesight can't just see everything. Lay your head on my lap. I stroke your hair and sing to you a lullabye. What a perfect way to spend this what seems to be an everlasting midnight, with the stars twinkling like gems, revolving around us.

We do stare at the same hemisphere, but only at different grounds. But the love was strong enough to keep us together.

But we also are aware that distance keeps not only our bodies, but our hearts apart.

Patience is not my virtue. But I tried to make amends. I still do. I hope, I pray, I wait. Because I believe that the love we have can keep up against all odds.

Please say you love me. We both have a dream of gazing at the stars-together.

It's been a year. Happy birthday. Remember that true love comes when a soul finds its counterpoint in another. I've found mine in you.

Love.

Wednesday, September 10, 2008

Love Song Syndrome: Episode 4

"Hello Tito Jake, Pemay to." wika ko sa telepono. "Malapet na prom namin, padala ka ng pera pambili ko ng dress."
"Ok." sagot niya. "Oo nga pala, sa Valentine's Day pumunta ka dito. Magluluto ako. Ayoko mag-isa sa araw na yun."
"Ang emotional mo naman, Tito." banat ko. "Magmukmok ka na lang sa opis."
"Eh, ayoko ng kantiyaw. Basta, punta ka dito ok. Magsama ka ng date mo kung gusto mo." Gusto ko matawa sa sitwasyon ng tito ko. Sa kabila ng pagiging isang matapang na NBI agent, napaka-hopeless romantic niya. Kakabreak lang nila ng fiancee niya na si Trina last week, kaya bitter pa siya.
"Tito, one day you may find true love that would last forever." Paalala ko.
"Haha. Poor heart of mine. Siya, sige babay na. I'll send you your shopping money tomorrow." Paalam niya. "Goodnight dear."
"Night Tito." at binaba ko na ang telepono.

Nang patulog nako, inisip ko kung sino ang pwedeng maging ganon ka-baduy para padalhan ako ng mga sulat na may lamang lyrics ng kanta. Si Sonny, si Jicho... o baka naman wrong send. Pero hindi e. Ay nako ewan. Maitulog na nga lang 'to. Madami pako gagawin bukas.

toot. toot.

May nag-message sa cellphone ko. Guess what. Lyrics parin ng kanta.

Bakit nagkatagpo... bakit tuloy nagkalayo...
bakit mayron pang nadarama ngayong hindi na tayong dalawa...

Hindi ko kilala kung kaninong number to. Arrrgh!

---------------------------

Kinaumagahan, dumaan muna 'ko sa Delaney's bago pumasok sa campus. Nakalimutan ko kasi ID ko dun kaya kinuha ko muna. Sakto namang andun si Sir Arnold, ang may-ari ng kainan.

"Pemay! Buti naman dumaan ka." salubong niya saken.
"Hi Sir Arnold, naiwan ko kasi ID ko dito e." ngiti ko.
"May package na dumating para sayo." Kilig niyang sabi.
"Oh? Galing kanino?" nagtaka naman ako.
"Ewan. Special delivery daw e."

Pagpasok namin ng resto ay nakita ko ang package ko. Kaya naman pala kinikilig si Sir Arnold e dahil puro bulaklak at balloons ang package. Hehe. At may sulat pa.

I believe in dreams, I believe in miracles...
I believe that toy balloons, can reach and touch the moon...

"Uuuy... secret admirer..." dutdot sakin ng boss ko. "Sino yan ha?"
"Hindi ko rin po alam." Nakangiti kong sagot. "Sir dito muna yan. Pasok lang ako. Babay."
"Sige sige... ingat lover girl!"

Ayoko na isipin kung sino ang gumagawa nito saken. Maliban kay Sonny, wala na akong ibang alam na pwede maging suspect. Di pwede si Jicho dahil may Andrea na siya. Kung taga-ibang school naman, hindi kaya si...

Love Song Syndrome: Episode 3

Ok ok ok. Ganito yun. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero nung first year high school ako e naging kami ni Sonny. Classmates kami. Pero di naman kami ganon kaseryoso, although talagang naging crush ko sha noon. Nang matapos yung relasyon namin (hehehe puppy love), wala na. Until nung third year ako at naging ka-MU ko etong si Jicho, ang kuya ni Dyan. Mejo malabo ang love story namin, kaya hanggang MU lang. Matapos din nun, wala na. Pero baket may mga gantong lyrics akong natatanggap?



------------------

After ng sideline kong pagwa-waitress sa resto-bar na Delaney's, dumiretso ako sa bahay nina Edward, ang best friend ko mula kinder. Andun daw kasi ang barkada, may inuman. Malapet lang naman bahay nina Edward samen kaya ok lang. Besides, sino ba maghahanap saken sa bahay. Pagdating ko dun, oo nga andaming tao. Kumpleto barkada, kasama si Jicho.

"Hi people."Bati ko sa kanila. Well shempre chika-chika na naman tapos nood ng TV, pero sa totoo lang wala ako sa mood para makihalubilo kung kaya't umakyat na lang ako sa terrace para magpahangin. Dun ko naalala na malapit na nga pala ang prom at wala parin akong damit. Hindi pako nakakatawag sa tito ko para humingi ng pambili ng prom dress, kaya naman naging busy muna ko sa pag-iimagine kung anong magandang damit na isusuot. Sakto namang nagpatugtog si Mang Caloy, ang kapitbahay ni Edward.

Looking kinda lonely girl..do you want somone new to talk to...

"Pemay..." biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Jicho.

"Uy Jicho," sagot ko. "Musta?"

"Ayos lang. " ngiti nya. "Natanggap mo ba yung card?"

"Oo, binigay ni Dyan." tango ko. "Para san ba yun?" (Patay-malisya. Weh.)

"Hindi para sayo yun e." Kamot niya ng ulo. "Para kay Andrea sana. Ehehe. Nagkamali lang si Dyan ng pagbigay, sabi ko un report card ko yung ipakita sayo. Hehe."

Ay, shet. Agad kong nilabas yung card na binigay ni Dyan saken kanina at inabot kay Jicho. "Yan o. Bigay mo na kay Andrea."

"Hehe. Salamat."

Ayan, solved na ang isang kaso. Hehe. After 30 minutes e nilisan ko na ang bahay ni Edward at tumungo na ng bahay. Pagod nako. Tatawagan ko pa si Tito Jake. Pero pagdating ko ng bahay, may sulat na nakasingit sa may gate.

Hindi man dumating sakin ang panahon na ako ay mahaling muli

asahan mong di ako magdaramdam kahit ako'y nasasaktan...

wag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin.

Geesh... sino ba talaga to? Hindi si Jicho. Si Sonny? Sino pa ba ang pwede gumawa nito? Kung di rin lang taga-school...


Love Song Syndrome: Episode 2

"Ah, Sonny," sambit ko. "May tatanong sana ko."

"Ano yun?" tugon niya. Akma na sana akong magsasalita nang biglang nagring ang bell. Tapos na recess. "Uy tara na tapos na recess."

"Ah, ok, sige," shet bitin naman o. Tatanong ko pa naman sana yung tungkol sa sulat at lyrics sa bench. Grrr!

--------------------

Mahirap yung exam sa Physics. Pero ayos lang. Nastress ako kaya naman dumiretso nako kagad sa Delaney's para magtrabaho. Sakto namang andun si Dyan, bloodshot eyes na naman.

"Uy, problema mo?" lapit ko sa kanya. Ay nako, heart problem na naman to. "Benedict ba?"
"Pemay!!!!!" yakap niya sakin. "Wala na kami!"

Figures. Hindi ko muna inungkat yung naging dahilan ng away nila dahil away nila yun e. Vent mode muna si Dyan at saka na siya magkwento kapag kalmado na siya. Tama namang bumirit ang tugtog sa radyo, matapos pag-iiyak ni gaga.

Ayoko sana... na ikaw ay mawawala
Mawawasak lamang ang aking mundo..
Pero anong magagawa... kung talagang ayaw mo na
Sino ba naman ako para pigilan ka...

"Pemay, thank you ha," ngiti ni Dyan saken matapos niya humagulgol on a sunny afternoon. "Oo nga pala, pinabibigay ni Kuya Jicho." Binigyan niya ako ng isang card.

It's so sad to belong to someone else when the right one comes along...

Seryoso ba 'to? Kanina, iniisip ko si Sonny. Pero bakit pati si Jicho eekstra?

----------------------------

Love Song Syndrome

Galing ako sa gig kagabi at super inaantok pako nang pumasok ako sa campus. Gusto ko pa matulog pero may quiz daw kami today sa Physics kaya hindi pwede umabsent. Para sa isang dakilang absenera, bago to para saken.

Pagpasok ko sa classroom ay yumuko kagad ako sa desk ko. I am really sleepy. Halos mahimbing na ata ako sa kinatutulugan ko nang biglang may tumapik saken.

"Hoy Pemay, may nagpapabigay sayo." abot sakin ni Pau, classmate ko. Inabutan nya ko ng papel na nakatiklop, kulay puti at walang kaayos-ayos.

"Kanino galing?" mapungay pa mga mata ko. Hehe.

"Ewan. Pinaabot lang din saken e. Oi sige puntahan ko muna sina Monet." at nilayasan nako ng classmate ko. Binuksan ko naman ang papel thinking baka kung anong importanteng message ang laman. Pero eto lang ang nakasulat:

Wala paring iba... ang papalit sayo.
Ikaw parin lagi ang iibigin ko.

Kanino kaya galing to? Lyrics ng kanta to e. At sino naman ang mangangahas magbigay neto sakin, e antagal ko nang walang love life dito sa school? Well nung first year si Sonny. Hehe. Pero matagal na yun e. Hahabulin ko sana si Pau para papagsalitain kung sino nagpabigay nito sa kanya pero nagsimula na ang klase. Quiz time. Haay.

-------------
Recess. Gaya ng kinagawian mag-isa akong kumain ng chibog sa bench. Dun naman ako tumatambay every recess time, at alam na ng buong campus na eto ang pwesto ko. Kaya habang nagbabasa ng lesson para sa walang kwentang Social Studies, nagpapapak ako ng kropek. Nang may napansin ako sa sandalan ng bench.

If loving you is all that means to me
Being happy is all I hope you'll be
When loving you must mean
I really have to set you free.

Bagong sulat lang to e, wala naman to kahapon. Sino ba talaga to?

"Pemay," may nakiupo sa tabi ko. Si Sonny, classmate ko na ex ko nung first year.
"Uy.." nagulat ako. Shet, sha kaya?
"Pengeng kropek." Sabay kuha ng kropek sa bench. "Lutong pa ha. Bago ba to?"
"Ah, oo." tango ko. Mejo namumulang ewan ang pisngi ko kasi baka si Sonny nga talaga ang may bigay neto?

hmmmmm.....

Sunday, September 7, 2008

Bukas

Ano ba ang naghihintay bukas
kapag sinabi mong mahal mo nga ako

Pag-ibig ba ang laman ng iyong puso?
Ayaw ko ng mga pangako.

Hawak kamay natin suntukin ang buwan
sa piling mo ngayon ako'y maligaya.

Ngayon. Ngunit paano sa pagdating ng balintataw?

Bukas.
Ang bawat pintig ng aking puso
ay para sayo.

Thursday, September 4, 2008

Minsan, kumulo ang tiyan ko.

Linggo. Katatapos ko lang makipagkwentuhan kay AB. Nagkasalubong kami sa IRC ng wala sa oras at dahil dun nagkita kami. At nagkamustahan. At nagstargazing sa may UP Bliss. Pareho kaming emo e. Nang maghiwalay kami, pumunta muna ko sa Meals to Go para bumili ng dinner. Masilog (maling, sinangag, itlog) na hindi ko malaman kung asan ang sinangag. Walang lasa ang itlog, at mas lalo naman un maling. Nang makuha ko ang order ko e dumerecho nako sa Alva. Dun ko nilantakan ang Masilog ko habang nagbubukas ng friendster. Pero di ko pa man nauubos ang kinakain ko....

Biglang sumakit ang tiyan ko. Kelangan ko sumugod sa CR.

Out of order ang CR sa second floor. Sarado na ang Chowking pati na rin un paid restroom sa baba. No choice ako kundi tumakbo sa Jollibee Philcoa.

Kumukulo na talaga ang tyan ko. Pagpasok ko sa cubicle ng CR ay talagang inilabas ko lahat ng toxins na nagpapasakit ng tiyan ko that very moment. Masaket. Mahilab. Nakakairita ang feeling. Buti na lang sandamakmak ang tissue sa bag ko kaya ayos lang.

Nang matapos nako magpunas at mag-iwang, tumayo nako para iflush ang kubeta. Nang may lumagatok sa toilet bowl na something na hindi malambot.

Clink.. clink...

Pagtingin ko, ang selpon ko napapasama na sa pagflush. Umiilaw-ilaw pa.

Lekat naman o. Kukunin ko sana un fone pero dumerecho na sha sa poso negro ng Jollibee. Di ako makapaniwala sa nangyari.

Wala nakong telepono.


Well after 2 weeks... meron na ulet. hehehe

Monday, September 1, 2008

Hinde!

e pano na yan kung talagang tamaan ka? lekat ka pala e. hilig mo magpatintero.