CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, September 25, 2010

77 oras (part 6)

wala nang kasunod ang part 5a, kaya part 6 na. hindi ako makagawa ng note sa fb for some reason, kaya dito na lang.

"master, gusto ka namin makita. andito kaming apat sa tacloban, kita naman tayo." comment ni andrea sa wall post ng writer sa facebook.

"lilibre ka namin ng beer." sabi ni francis.

"at ng bora." dagdag ni reine.

"at oorder tayo ng cordon bleu!" hirit ni emman.

binabasa lang ng writer ang mga posts nila habang kumakain ng hapunan. iniisip niya kung makikipagkita ba siya sa mga ito, gayung alam niya na wala siya sa kanyang sarili nitong mga nakaraang araw. gusto niya makipagkita sa kanila, pero gusto rin niya panatilihin ang misteryo na bumabalot sa kanya at manaig ang kanyang pagiging isang dakilang emotera sa facebook.

masakit ang kanyang ulo. kaninang tanghali pa iyon mula nang kumain siya sa mcdo. hindi niya malaman kung bakit, pero bigla na lang na parang binabayo ang kanyang ulo, sabay na nanakit na rin ang kanyang mga kasu-kasuhan. sinubukan niyang matulog pero hindi siya mapakali, kung kaya't minarapat na lamang niya na maligo upang kahit papano'y mapreskuhan.

matapos niya maligo, biglang naisip ng writer si louie. kailangan ko siya makausap, sabi niya sa sarili.

sama-samang naghapunan ang apat na dayo ng tacloban. ngayong gabi, sa calle z naman nila naisipan kumain, dahil sa chismis na masarap ang bulalo doon. katabi ni francis si andrea, at di niya mapigilan na mapasulyap sa kanya. sa hindi malamang dahilan, binubulabog ni andrea ang kanyang isipan, pati ang pintig ng kanyang puso.

"uy may cordon bleu dito o!" bulalas ni emman sa menu. "malamang ito palagi inoorder ni master. hahaha."

"sabi niya mas masarap daw ang bulalo dito," sambit ni reine. "haynako sana andito siya para mas masaya. hindi pa ba pagrereply yun sa facebook?"

"hindi pa." iling ni andrea. "uy francis magsalita ka nga dyan, kanina ka pa tulala e."

"ha?" napatanga lang ito sa kanya.

(sana mamaya makapagpost nako sa facebook notes. grrrrrrrrrrrrrrrr)