CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, March 24, 2009

Asan na si Mabuti?

Asan na si Mabuti?

Marahil ilang taon na rin ang lumipas nang makilala ng madla ang batang si Mabuti. Si Mabuti ang representasyon ng tipikal na batang mag-aaral sa Pilipinas, mapa-pribado o pampubliko man ang kanyang pinapasukan. Si Mabuti ang batang inatasan ng isang mabigat na responsibilidad habang nasisilayan ang samu't saring problema sa kanyang kapaligiran, at ang responsibilidad na ito ay ang mag-aral.

Si Mabuti ba ay nakatapos ng pag-aaral? Matapos maabot ng guro ang puso niya, ano na ang nangyari kay Mabuti? Nakaapak ba siya ng high school o kolehiyo? O nag-asawa siya kaagad? O nakakilala ng barkadang sasamahan? Naabot kaya niya ang kanyang pangarap?

Asan na si Mabuti?

Sa aking pananaw, si Mabuti ay nabubuhay sa puso ng bawat Pilipino. Sa iyo, sa akin, sa atin. Kung kaya't ang kinabukasan ni Mabuti ay nasa ating mga kamay, kung saan tayo ang huhubog at magdadala. Nasa sa atin na kung si Mabuti ay lalaking mangmang, adik, o propesyunal, or martir na asawa.

Marahil si Mabuti ay isa paring musmos, na pinipilit mamulat sa isang lipunang isip-bata.

Para kay Genoveva Edroza Matute (1913-2009)

0 comments: